Bank Card Holders, Dapat nang Mag-upgrade to EMV-Powered Cards Upang Maiwasan ang Skimming, Ayon sa BSP

Ikaw ba ay nag-aalala sa safety at security ng bank deposits at remittance na ipinapadala mo?

Wag nang mag-alala dahil simula ngayong 2017, ang mga bangko sa Pilipinas ay inaasahang nang mag-upgrade ng kanilang mga payment cards at ATMs sa EMV chip technology, mula sa magnetic striped card na ginagamit sa ngayon. Ito ay base na rin sa Circular 808, Series of 2013 na inissue ng Bangko Sentral ng Pilpinas upang pangalangaan ang mga depositors sa iba’t ibang klase ng electronic-based risks.

Ang mga EMV-powered na ATMs, cash cards at credit cards ay itinuturing na pinakaligtas na klase ng cards sa buong mundo dahil ito ay hindi basta-basta mapepeke o madadaya.

Ang mga EMV cards ay mayroong microchip na gumagawa ng unique na ‘transaction codes’ tuwing ginagamit. Kaya kahit makopya ang iyong card, hindi basta-basta magagamit ang ‘data’ na laman nito sa paggawa ng mga pekeng bank cards.

Ang RCBC, isa sa pinakamalaki at pinagkakatiwalaang bangko sa bansa ay kasalukuyang nag-a-upgrade na ng kanilang MyDebitCard,  My Wallet, MyWallet Visa at Telemoney My Wallet Visa cards upang magkaroon ng EMV-chips na matibay na depensa sa iba’t ibang uri ng electronic risks, para na rin sa peace of mind ng kanilang bank customers.

Ang RCBC MyDebit Card, My Wallet, MyWallet Visa at Telemoney My Wallet Visa cards ay ligtas at mabilis na paraan para magpadala ng remittance kahit saan man sa Pilipinas.

Maraming OFWs at balikbayans ang gumagamit ng cash cards para magpadala ng pera sa Pilipinas dahil diretsong pumapasok sa account ng pamilya nila ang perang pinadala at hindi na kailangan pang i-claim sa mga remittance centers.

Bukod sa remittance, madalas ding gamitin ng mga OFWs, balikbayan at ng mga pamilya nila ang mga ATMs, at payment cards para mag-ipon ng pera padala.

Bilang paglilinaw, ang mga dating magnetic stripe cards ay ligtas gamitin lalo na kung pag-iingatan ang paggamit nito ng may-ari. Ang mga magstripes ay nagiging target lang ng skimming dahil na sa ‘static data’ na laman nito.

Hindi biro ang perang nasasayang dahil sa skimming at iba pang klase ng card fraud. Ayon sa BSP, mahigit P220 million ang nawalang parang bula mula sa mga depositors noong 2013 dahil sa skimming at iba pang klase ng pandaraya sa mga bank cards.

Ang mga OFWs at ang kanilang mga pamilya ay  madalas na target ng skimming at bank fraud dahil na rin sa malimit nilang pagpapadala ng remittance gamit ang kanilang mga cards.

Sa EMV-powered RCBC MyDebit Card, My Wallet, MyWallet Visa at Telemoney My Wallet Visa cards, makakasiguro kang ligtas ang perang pinaghirapan mo, at ang perang ipinapadala mo, dahil hindi basta-basta mapepeke o madadaya ang card mo.

Mas magagamit mo pa ang mga RCBC MyDebit Card, My Wallet, MyWallet Visa at Telemoney My Wallet Visa cards dahil puede mo itong gamitin sa kahit saang tindahan, mall, hotel o restaurant at ibang establishments basta tumatanggap sila ng Europay, Mastercard at Visa cards.

Inaasahan na ilalabas na sa mga susunod na araw ang EMV-powered RCBC MyDebit Card, My Wallet, MyWallet Visa at Telemoney My Wallet Visa cards. Mag log-on sa official Facebook at Twitter ng RCBC, mag email sa customercontact@rcbc.com, or tumawag sa hotline number +632 877 RCBC (877-7222), para sa pinahuling updates.

Maari ring tumawag sa Domestic Toll Free Number : 1-800-1000-7222 (Accessible only for PLDT Landlines. For non PLDT-subscribers, dial (02) 877-7222 (regular toll rates will apply).

Para sa mga kababayan natin sa abroad, maari ding tumawag sa International Toll Free Number (International Access Code) +800-8888-7222 sa mga pinahuling updates.

Leave a Comment