Housemaid in Dubai

Si Rachel ay isang housemaid ng isang UAE local dito sa Dubai. Nakakuha sya ng trabaho sa pamamagitan ng isang agency sa Pinas na nagprocess ng kanyang mga dokumento upang sya ay makarating at makapagtrabaho sa Dubai.

4 na taon na syang nagtatrabaho as alalay ng isang dalagang lokal. Pangunahing mga gawain nya ay magplantsa ng damit, magtimpla ng kape or tiyaa, maging assistant sa negosyo nila.

OFW Housemaid/Assistant in Dubai

Ang masaya nito ay amo nya ay mabait sa kanya. Maayos ang pagkakasahod at hindi suplada. Sa simula ay nahihirapan syang mag-adjust dahil sa komunikasyon kung saan minsan sila ay hindi nagkakaintindihan. Pero sa paglipas ng mga buwan, nakuha na rin nya ang loob ng employer.

6am ang pasok nya at minsan ay natutulog na mga 10pm. Tuwing Sunday sya nakakapag-gala dahil dayoff nya.

Si Rachel ay isang Pinay na naging housemaid at masaya sya dahil hindi naging mahirap ang pagtrato niya sa kanyang amo at ng amo nya sa kanya.

Isa syang dalaga kaya wala sya masyadong responsibilidad di gaya ng ibang katulong sa Dubai na kung saan may iniwang pamilya sa Pinas. Kaya ang ibang pera niya ay napag-ipunan ng maayos.

Di pa sya nakakauwi ng bansa dahil ginusto nya. Pero ngayon, balak nyang magbakasyon ngayong taon.

Mga Pulot sa Kwento

  • Mas maganda kapag dadaan ka ng certified na agency sa Pilipinas upang makakuha ng trabaho sa Dubai. Mas malaki kasi ang chances na ikaw ay makakuha ng magandang employer. Meron ka ring konteng seguridad dahil tutulungan ka ng agency sa paghahanap mo ng magandang employer. Kelangan lamang na siguraduhin na accredited sa POEA ang agency upang makatiyak na legal ang processo sa pagtatrabaho sa Dubai.
  • May mga cases na hindi masaya ang ibang housemaids sa kanilang mga employer. Ganun din ang kaso sa iba’t-ibang bansa kaya kelangan lang talagang magresearch nang maigi para makapaghanap ng patas na employment.

Leave a Comment