OFW Interview: Mall Sales Representative

We are introducing a new feature in our Dubai OFW community by interviewing Overseas Pinoy Workers in the Emirates. We want to reach to more Filipinos who want to learn more about about working and living in Dubai. This feature is a great opportunity for you to understand what our fellow kabayans go through everyday.

Our first Pinoy OFW interview is with RR, a Filipina retail sales representative who works inside a mall. She recently became a mother and had to leave her baby with her parents while she works and sends money to the Philippines. RR is like many Pinoys in Dubai as she sacrificed her time and being away from her son in order to provide a better life for her child’s future. Read about her story below!

Mall Sales Executive: Buhay Overseas Pinoy Worker

rr pinay in dubaiOFW Profile: Retail Sales Rep

Name: RR
Age: 30 years old
Address in Dubai: Al Rigga Area
Marital Status: Married, A mother of 1 boy
Education Level: Undergraduate of BS Marketing.

Tell me about yourself.

Hi. Ako si RR, 30 years old and a mother of a baby boy na iniwan namin ng asawa ko sa Pilipinas habang kami ay naghahanap-buhay dito sa Dubai. Nagsimula akong magtrabaho nung ako’s 17 anyos pa lang sa Jollibee as a Cashier. That was my first job as a working student.

Why did you come to Dubai?

Nagbarista ako sa Pilipinas at yung dati naming manager na based na sa Dubai, ay kinontak kami at tinanong kung gusto naming magtrabaho sa coffee shop kung saan sya assigned. year 2006 pa yun at sa Friendster pa nga kami kinausap.

Nakipagsapalaran ako, parang stepping stone for career growth kasi mas maraming opportunities dito sa Dubai. Single pa din ako noon kaya naglakas loob din.

What were your previous jobs?

Naging baker/barista ako sa convenience store sa gas station, Nag barista/sales associate naman ako sa isang coffee shop at ngayon isang retail sales executive.

Is it difficult to live in Dubai? What are your struggles? What’s life like outside work?

Sa una kasi lalo na homesick ang kalaban mo dahil first time mapalayo sa pamilya mo tsaka sobrang bata ko pa nung napunta ko dito.

Sa mga kasamahan ko nman sa trabaho, walang naging problema dahil yung iba mga workmates ko din dati sa Pinas. At ang mga Pilipino kahit san mo dalhin likas na sa atin ang magaling makisama, (ung iba).

dubai ofw open beachJumeirah Open Beach near Al Satwa
Some employees can only hang out at night after working hours

Minsan din naman pag kaharap ko yung mga customers, nahihirapan konte. Syempre,di rin naman ako ganon kagaling mag English tapos iba’t ibang lahi pa ang nakakasalamuha ko. May mga ugali pa silang minsan nakakainis, pero masasanay ka din. Doon papasok ang “customer is always right”.

Yung weather minsan, sobrang init. Tapos yung food, di ka basta-basta nakakabili ng baboy sa mga shops. Kelangan mong matutunan ang culture especially ng mga Muslim.

Pero naka-adjust naman ako.

Are you able to save in Dubai? Why/How?

Hindi pa. May mga pmangkin ako sa pinas na nagaaral at tinutulungan namin ng ate kong magpaaral.

May mga gamit na naipundar, at hanggang ngyon ay nangungupahan pa rin kami sa Pilipinas. Sapat lang ang kinikita ko para sa pamumuhay nila sa araw araw.

May mga sitwasyon din kami minsan sa pilipinas na ngailangan ng malaking pera kaya di kami nakakapag-ipon.

What do you like about Dubai?

No Tax, very less crime, at dahil nandito asawa at sister ko.

What do you NOT Like about Dubai?

Summer Season, mahal ang upa sa bahay, at masyadong malayo sa Pinas.

What are your plans in your career/family/future?

Sa ngayon gusto ko muna tapusin ang kontarata ko. Plano kong maghanap ng mas maganda at medyo malaking sahod dahil hindi sapat ang sinasahod ko at ng asawa ko. Lalo na ngayon na may baby kami (na nasa Pinas) na dapat suportahan, at mas lumalaki ang gastos. sa pagkkataong ito d ko pa masabi kung mgttagal ako pero if great opportunity knock my door hindi ako mggdalawalang isip na igrab dahil lahat ng yon ay para sa anak at pamilya ko.

Tips for Kabayans na Gustong Magtrabaho Dito?

Don’t forget to pray at kung bakit ka naparito sa Dubai. Huwag kalimutang mag-Skype or magcommunicate sa pamilya na nasa Pinas. Mag-ingat parati at alamin muna kung ano ang isasakripisyo mo bago ka luluwas sa ibang bansa.

————————————

Thank you RR sa pagbahagi ng iyong kwento! We hope our readers will find some good pointers and tips from your story. Ingat po! 🙂

Do you want to be featured/interviewed? Send us an email at admin@dubaiOFW.com.

Leave a Comment